Menu Close

BANAUE GUIDE TRAINING

WBCP member Arnel Telesforo makes the long trek from Manila to Banaue to assist in the “Training Naturalist Guides” program of the Department of Tourism.
note: This article is in PIlipino. For an English translation, please see the link at the end of the article.


Banaue Trip Report

by Arnel Telesforo

“Dapat maaga akong umalis kagad.” Yan ang humahabol sa utak ko pagkatapos ako tawagan ni Mike para pumunta sa Banaue. January 26 ng gabi ay umalis na ako mula sa bahay para maka-abot sa oras ng pag-alis ng bus papuntang Banaue, pero kailangan puntahan ko muna yung mahalagang meeting ko para sa darating na trabaho maliban pa ito sa gagawin ko. Pagdating ko sa bus station ay napaaga din ang dating ko at kaagad ay bumili ako ng tiket at sa bago kong nalaman Ohayami na lang ang bumubiyahe papuntang Banaue wala na ang mga ibang bus company at sa halagang 450.00 nay makakarating ka na sa Banaue.

January 26, Thursday

6:00pm pa lang ay nakasakay na ako sa bus at pagpasok ko ay halos mga dayuhan ang nasa loob ng bus at iilan lang ang mga Pilipino na nasa loob. Hmmm… bakit kaya?

6:45pm umalis ang bus sa kanyang istasyon, nung oras na halos makatulog ako ay umalis na ang bus sa istastyon.

Isang mahabang biyahe din kung tututusin ang papuntang Banaue, nung huling punta ko duon ay kasama ko pa sila Lala kasama ang mga katutubong Aeta para sa isang fieldwork ng kanyang “Luzon Parrot Project.” Pagsakay ko pa lang ng bus nuon ay nakatulog kagad ako at di ko na namalayan na nasa Banaue na pala ako.

9:00pm Haos di ako makatulog siguro excited din ako o dahil wala akong kasama pumunta duon. Ang dami ng naglalaro sa isip ko kung anung gagawin ko maliban sa rason kung bakit ako pupunta duon. Halos mga ala una na din ako nakatulog… at sadali lang ay nagising ulit ako dahil sa huminto ang bus para “wiwi break.” malamig na din ang lugar na pinaghintuan namin kaya sa isip isip ko’y maaring malapit na kami.

January 27, Friday

7:34am Halos pupungas-pungas ako at nahirapan din akong dumilat ng magising ako, nagising na ako hindi dahil sa nakarating na ako sa pupuntahan ko kundi sa sobrang lamig ng bus na sinasakyan ko. May narinig din ako dati na may nagsabi na “mamatay ka sa hypothermia sa bus na yan eh!” kilala ko ang nagsabi pero di ko na lang sasabihin. 🙂

9:00am na din ako nakarating sa Banaue Hotel, pagbukas na pagbukas ng pinto ay saktong tumayo ako at  may sumalubong kagad sa akin na may bitbit na papel na may pangalan ko. At sabay sabi ko “present!” Kinamusta ako ng isa sa mga guide na kasama sa training.

The famous Banaue Hotel. Photo by Arnel Telesforo.
Welcome banner for the participants. Photo by Arnel Telesforo

Sinalubong na din ako ni Donald Balanhi na taga DOT sila ang nag-organisa ng “Training for Naturalist Guides.” halos nasa 35 lahat ng guides na aktibo sa banaue maliban pa dito ang mga tinatawag nilang “freelance guides.” Isa sa mga rason na inimbita nila ako ay para sa “Birdwatching basics.” At pagdating na pagdating ko ay kumain na kaagad kami ng masarap na almusal at brewed na Banaue coffee.

Habang kami ay kumakain may mga pinag-usapan din kami na kung papaano sila mabibigyan ng idea patungkol sa Birdwatching at kung papaano ito maisasama sa malaking component ng guiding sa Banaue. Mahalaga din sa mga pinagusapan namin ay ang tamang attitude, practices at isa din ang isinama ko ay ang tradisyon na meron sila at kung papaano ma-incorporate ito sa kanilang pag-guguide ang mga problema na kanilang kinakaharap mga isyu nakapaloob sa mga guides. (bugtong hininga)

Donald Balanhi of DOT adressing the participants to listen and be open. Photo by Arnel Telesforo

11:00am Na din nagsimula ang lecture. “Birdwatching basics” as in basic. Di ko pa man nabubuksan ang powerpoint presentation ko ay may mga tanung na kagad. Madami silang katanungan tungkol sa ibon at anung klaseng ibon ang mga makikita sa Banaue at dito ko na din pinakita ang mga ilang ibon na makikita sa Banaue, hindi ko pinakita lahat ng ibon na makikita sa kanilang lugar dahil kulang na din oras para ipakita ito lahat. Ngunit higit na diin sa lecture tungkol sa birdwatching ay kung gaano kaimportante ito sa kanilang trabaho ang kahalagahan ng ibon sa paligid at ang unang tanong ko sa kanila ay “Bakit may ibon? at “Ano kanilang papel sa kapaligiran?” Iba-iba ang sagot at alam naman natin na may mga mapilyong sagot dito, ngunit natuwa din naman ako at di lang puro lalaki ang guides may 2 babae din. Kaya medyo kalmado din ang kanilang mga sagot.

Lecture on Basic Birdwatching. Photo by Ternel Telesforo.

12:00nn Natapos ang lecture, ngunit habang kami ay nananaghalian ay di pa din nila maiwasan ang mga katanungan tungkol sa ibon at yung mga nakita daw nilang ibon sa kanila na kakaiba at di pa daw nila nakikita sa buong buhay nila. Masaya at masigasig ang kanilang mga katanungan. Sabi ko na lang “Gumising kayo ng maaga at mag-bibirdwatching tayo bukas.”

January 28, Saturday

5:00am ay gising na ako at madilim pa din ang paligid kaya’t bumalik muna ako sa hotel. Mga bandang 7am na kami nakapagsimula at tinipon ko silang lahat sa harap ng hotel at konting intorduction sa birdwatching. Dala ng kakulangan ng Binoculars ay di pa din naging dahilan ito para di kami makapag-birdwatching. Iilang ibon lang ang aming nakita dala ng makulimlim at umaambon ng mga oras na iyon. Ngunit sumatutal ay masaya naman din sila at may mga nakita din silang ibon na maliliit gaya ng sunbirds at white eye’s.

Maliban din sa birdwatching ay may mga kasama din ako na ang pinag-usapan naman ay tungkol sa mga halaman kagaya ni Anthony Arbias na ang topic nya ay “Why go native plants” at mga kasama natin sa Cebu na sina Glenn Oceña na ang topic ay ang mga sumusunod practical mountaineering application courses – effects of climate change-hazards of nature, leave no trace (lnt), camp management, survival essentials, mountain environment and basic navigation, trail sports-mountain biking & trail running, Ropemanship, Single Rope Technique (SRT) & practicums. At si Sixto Martin Esquinas Tom topics naman nya ay first-aid / basic life support – CPR & Emergency Rescue Transport (ERT). Masyadong maikli ang oras para sa ganitong klaseng training, ngunit madami din halos kaming pinag-usapan patungkol sa mga problema sa kapaligiran na madami pa din daw hunters sa lugar at naghuhuli ng mga ibon mga bagay bagay na nagpapasikip ng dibdib. Ngunit sa bandang huli at sa aking palagay ay kahit papaano ay naimulat ko din ang kanilang mga mata patungkol sa kaibunan sa Pilipinas. 🙂

Basic ropemanship and rescue. Photo by Arnel Telesforo.

Pagkatapos ng lecture ay namasyal kami ni Anthony sa paligid ng Banaue at pinuntahan namin ang 7 viewing peaks ng Banaue sa pagsakay lang ng tricycle sa halagang Php200.00.

At nag-paalam at nagbigay pasalamat sa mga guides na pumunta at nakinig sa aming lectures.

Mga bandang alas-kwatro ng hapon ay bumalik na ako pa Manila. Siguro babalik ako ulit sa Banaue… sa susunod. 🙂

Ok that’s me after the lecture. Lakwatsa na!

Please click on the link to view the English translation of this article.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *